SINO'NG NAGSIWALAT?

SINO'NG NAGSIWALAT?

by - Ni Albroz Azar
SINO'NG NAGSIWALAT?

SINO'NG NAGSIWALAT?

by - Ni Albroz Azar

eBook

$8.49  $8.99 Save 6% Current price is $8.49, Original price is $8.99. You Save 6%.

Available on Compatible NOOK Devices and the free NOOK Apps.
WANT A NOOK?  Explore Now

Related collections and offers


Overview

Iniaalay ni Alborz Azar ang una niyang libro sa serye, ang 'Sino'ng Nagsiwalat?,' kay Pantea (Lana). Sinimulan ni Azar na isulat ang libro matapos ang insidente noong Marso 2018 nang makahugot siya ng inspirasyon kay Pantea (Eshgham ni Azar) na isulat at ibahagi ang kaniyang memoir sa buong mundo. Malay si Azar na kailangan niyang ilayo si Pantea sa limelight dahil gusto nitong panatilihing pribado ang buhay. Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling isulat sa papel ang matinding pagmamahal niya sa babae. Si Rozhan, ang asawa niya, ang tanging nakahihigit kay Pantea.

Ang SINO'NG NAGSIWALAT? ay hango sa totoong istorya nina Pantea (41 taong gulang ngayon) at Alborz (66 taong gulang ngayon). Sa kanilang kuwento, napagtanto ni Alborz na hindi naniniwala sa pag-ibig si Pantea, pero ito ang nagturo sa kaniya kung ano ang pag-ibig, hindi ito tulad ng pagmamahal sa iba nang walang kapalit

Sa paglalim ng kanilang relasyon, maraming nagbago at nagsimula si Pantea na gamitin kay Alborz ang salitang pag-ibig. Isang beses sa isang linggo, sinasabi niyang mahal niya ang lalaki. Pero may mga lihim na nagbabantang sumira ng kanilang relasyon. Akala ni Alborz ay maayos na ang takbo ng kanilang relasyon, pero mabubunyag ang isang sapalarang relasyon.

Sa pagtatangka niyang ayusin ang pinsala, inamin ni Alborz na handa siyang mamatay para sa minamahal. Ipinakita niya kung paano niya gagawin ang lahat para sa kaligayahan ni Pantea, kahit pa mawala sa kaniya ang lahat. Natuklasan niyang pambihira ang karunungan ni Pantea, na may halinang di-mapapantayan ng sino mang babae sa mundo. Tunay na natatangi siya sa lahat.

Inilalahad sa ikalawang libro ang malaking pagkakamali ni Alborz-ang pagsasamantala niya sa kainosentehan ni Pantea para ibunyag ang relasyon nila ng isa sa mga dating nobyo, walong taon bago sila nagkakilala ni Alborz. Nangyari ang pagbubunyag sa pamamagitan ng mga mensahe sa phone at mga larawang ipinadala kay Alborz na labis ang pag-ibig kay Pantea. Isisiwalat ang mga kinahinatnan nito sa ikatlong libro ng serye. Nagkamali siya sa paggamit ng mga ito dahil sa hindi pagkakaunawaan na dulot ng pananamantala sa tiwala ni Pantea. Tinuruan si Alborz ng kanilang relasyon kung paano dapat ituring ng dalawang tao ang isa't isa, sa paraang nakabatay sa pag-aayos ng mga problema sa pamamagitan ng bukas at magalang na pag-uusap.

Sa ikatlong libro, patatawarin ni Pantea si Alborz matapos magsumamo ang lalaki. Pero pinipigilan niyang sabihin sa kaniya ang dalawang napakaespesyal na salita, "Mahal Kita." Marami pang malalaman ang mga mambabasa tungkol sa natatanging personalidad ni Pantea at sa kanilang pambihirang relasyon.

Noong ika-5 ng Disyembre 2018, may malaking pagbabago sa kanila, nang matuklasan ni Rozhan ang kanilang relasyon na nagdulot ng maraming pangyayari. Ito ang dahilan ng pagkaantala nang labing-isang buwan sa pagsusulat ng 'Sino'ng Nagsiwalat?' Malalaman ng mga mambabasa sa ikaapat na libro kung ano ang mga pagbabagong ito.

 


Product Details

ISBN-13: 9781952274473
Publisher: Empower Your Life LLC
Publication date: 05/02/2020
Series: Ang RAHA Series , #1
Sold by: Barnes & Noble
Format: eBook
Pages: 174
File size: 526 KB
Language: Filipino

About the Author

Alborz Azarz ay dubbed ng isang bayani sa pamamagitan ng Pantea (Lana). Ang kuwento ay isinalaysay ni Alborz na minsan ay tinawag na isang dakilang bayani ng babaeng mahal niya. Gayunman, tinanggihan niyang pamagatan bilang may-akda. Sa sitwasyon, pinili niyang iwasan ang pakikibahagi dahil sa kanyang pamilya. Tatawagin ni Pantea si Alborz Azarsa Casanova, Marco Polo, ang kanyang bayani, gulle Chirage Jadu, atbp.Hinarap ni Azar ang lahat ng sitwasyon sa kanyang buhay nang may tiwala at naniwala sa katotohanan. Ang mga luxury sa buhay na ipinagkaloob niya ay dahil sa kanyang dedikasyon sa pagtatagumpay sa negosyo. Hindi sila namana sa anumang pamana ng pamilya.Ang pakikibakang daigin ang lahat ng kanyang paghihirap nang may pagtitiyaga ay nagsimula sa edad na labing-apat, ngunit natagpuan niya ang kanyang simbuyo ng damdamin para sa trabaho at dedikasyon. Gayunman, naghihintay pa rin siya ng matagumpay na pagtatapos sa matagal niyang paglilitis para sa kanyang mga legal na karapatan. Sa paglipas ng panahon, ang una niyang pagmamahal ay patuloy na nanatili sa tabi niya ang kanyang asawang si Rozhan. Pagkatapos niyon, tinatawid ng ilang magagandang batang babae ang kanyang landas; ang pinakamahalaga ay pantea pagiging pangalawang pag-ibig.Ang panaginip ni Azarz na maging matagumpay na negosyante ay nagsimula sa murang edad. Ang kanyang drive upang makamit ang isang pangalan sa corporate mundo ay nakamit sa isang lawak, ngunit siya ay ginanap sa pamamagitan ng ilang maruming karibal ng negosyo sa maling pagkuha. Sa makikita niyang hinaharap, ang kanyang buong buhay ay isinulat sa pag-asang maaantig nito ang puso ng kanyang mga mambabasa. alborzazar.net

Table of Contents

Pagkilala    4
Kabanata Isa: Nang Siya'y Maging Bugaw 9
Kabanata Dalawa: Pag-ibig sa Unang Tingin 16
Kabanata Tatlo: Nagsayaw at Umawit Siya 27
Kabanata Apat: Tadhana Ito 32
Kabanata Lima: Isang Magandang Pagkakataon 37
Kabanata Anim: Itinulak Ako ng Pag-ibig Ko 44
Kabanata Pito: Hindi Ko na Ito Kaya 52
Kabanata Walo: Ang Papel ni Anahita 57
Kabanata Siyam: Minahal Ko Siya nang Buong Puso't Kaluluwa 63
Kabanata Sampu: Unang Kaarawan Ko Kasama si Pantea 69
Kabanata Labing-isa: Busilak ang Loob ni Pantea 72
Kabanata Labindalawa: Ang Unang Anibersaryo Namin 78
Kabanata Labintatlo: Inawit niya ang Tu Mera Hero (Ikaw ang Bayani Ko) 85
Kabanata Labing-apat: Mamahalin Niya Ako Balang Araw 90
Kabanata Labinlima: Hindi Mo na Dapat Ginawa Iyan 95
Kabanata Labing-anim: Ang Terorismong Pag-atake 101
Kabanata Labimpito: Maaaring Manatili Siya sa Tabi Ko 106
Kabanata Labing-walo: Nagpunta Ako sa Iran 113
Kabanata Labinsiyam: Nahalata ang Pag-aatubili ko 122
Kabanata Dalawampu: Hindi Puwedeng Pumasok sa Bahay Niya 127
Kabanata Dalawampu't Isa: Imposible Iyan! 132
Kabanata Dalawampu't Dalawa: Nagbabago ang Panahon 136
Kabanata Dalawampu't Tatlo: Hangad Niya ang Kalayaan Niya 143
Kabanata Dalawampu't Apat: Natuwa si Pantea 147
Kabanata Dalawampu't Lima: Hinarap Ko ang Parusa 151
Kabanata Dalawampu't Anim: Hangad Kong Protektahan Siya 159
Kabanata Dalawampu't Pito: Panahon Lang ang Makapagsasabi 167
Bio ng Awtor 177
Epilogo 179





From the B&N Reads Blog

Customer Reviews