Si Helen Bradford, Ph.D. ay isang masigasig at beteranong guro na may pokus sa mga unang taon ng edukasyon at nagsilbi ng halos 30 taon. Ang kanyang espesyalisasyon ay ang pagpapaunlad ng wika at literasiya ng mga bata mula 0 hanggang 8 taong gulang. Siya ay nagtrabaho sa Pakultad ng Edukasyon sa Unibersidad ng Cambridge mula 2003 hanggang 2015, kung saan siya ay naki¿isa sa pagbuo ng kurso ukol sa literasiya (Early Years at Primary PGCE), kasama sina Mrs. Penny Coltman at Dr. David Whitebread. Noong 2015, si Dr. Bradford ay lumipat sa Institute of Education sa UCL (University College London) kung saan siya nagturo ng Master's course ukol sa early childhood education sa loob ng apat na taon sa mga grupo ng mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kanyang Master's Thesis na pinamagatang 'The Perceptions of Three- and Four-Year Old Children as Writers' na isinumite sa Unibersidad ng Cambridge ay nakatanggap ng pinakamataas na grado na 'A'. Ang kanyang Ph.D.research na may pamagat na 'Co-Constructing Writing Pedagogy with Two-and-Three Year¿Old Children', ay nagwagi ng premyong 2019 United Kingdom Literacy Association para sa pinakamahusay na tesis. Si Dr. Bradford ay miyembro ng Education Team ng CAMathories na nagdidisenyo ng kurikulum para sa CAMathories¿, at siya rin ang may-akda ng serye ng mga libro ng Folktale Mathematics¿. Kasunod ng biglaang pagpanaw ni Dr. David Whitebread, si Dr. Bradford ay kasalukuyang nagsisilbing Chief Education Offi cer ng CAMathories Company
Si Kit Cheung, Ph.D. (Cantab) ay nanirahan, nag-aral, at nagtrabaho sa iba't ibang lugar, mula sa masaya ngunit maabalang lungsod ng Hong Kong (China) at Singapore, patungo sa kahanga-hangang kalye ng Royal Mile sa lungsod ng Edinburgh, sa Scotland, at pagkatapos ay sa mala-fairytale na lungsod ng Cambridge sa United Kingdom. Di kalaunan, siya ay nagtungo sa Estados Unidos, una ay sa Baltimore, ang kabisera ng crab cake sa buong mundo, at pagkatapos ay lumipat siya sa garden state, New Jersey, kung saan siya ay kasalukuyang naninirahan. Mahilig maglakbay si Dr. Cheung lalo na sa iba't ibang lugar sa Asia, Europa, at Australasia, upang makipag-kilala sa iba't ibang lahi, maunawaan ang iba't ibang kultura, at malaman ang mga kabigha-bighaning kwentong bayan mula sa iba't ibang lugar. Si Dr. Cheung ay ginawaran ng Chevening Scholarship mula sa British Foreign, Commonwealth and Development Offi ce, U.K. at Cambridge Overseas Trust mula sa Unibersidad ng Cambridge, U.K. Nakamit niya ang kanyang Ph.D. degree mula sa School of Humanities at Social Sciences sa Unibersidad ng Cambridge. Si Dr. Cheung ay co-founder at Chief Executive Offi cer ng CAMathories Company.